Taon-taon parami nang parami handa namin sa Media Noche. This time, sinunod na namin yung mga masweswerteng ihanda. Last year kasi nag manok at hipon kami. Malas pala yun! tsk! Malas daw ang manok dahil magiging isang kahig isang tuka ka sa isang taon. Malas din daw ang hipon dahil kumakain ng tira-tira sa ilalim ng dagat. Wala namang masamang maniwala eh! Tsaka bawal na rin pala sa akin yung mga pagkain na yun.
Simple lang ang pagsalubong namin sa taong 2012. Past 11 na ata nun binuksan namin ang videoke. Napagod na siguro kami. Pero enjoy na enjoy talaga kami. Sigawan, talunan, batian sa mga kapitbahay, akapan ng magkakamag-anak, paputok, kainan at onting inuman ang bumuo sa pagsalubong namin ng 2012.
Sobrang masaya ako dahil naging maswerte ako nun 2011. Na-achieve ko rin lahat ng plans ko for 2011. Wala pa akong nagagawang New Year’s resolution at plans for 2012. Try kong gumawa mamaya kaso di pwede kasi may pasok na tom. Hmmmn. Basta, bago matapos ang January may magagawa na ako.
Napakapositive ko na magiging maganda ang 2012 ko and who knows, baka etong taon na talaga siya dumating! hihihihi Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.


“bawal talaga ang hipon ambal hihi”
tama, manatiling positibo! habang may buhay, may pag-asa!
Posted by Ed. E. | January 1, 2012, 11:31 PM