Ibulong mo, hindi, isigaw mo!

Ang tagal bago ko naintindihan ang sabi-sabing, “kung anu iniisip mo.. Syang ibibigay sa’yo ni universe”. Siguro kasi masyado akong busy sa maraming bagay noon kaya kebs na ako sa sarili ko. Mga bagay na akala ko hindi naman dapat gaya ng pagpapalawak ng sariling kaalaman, karunungan, pangyayari, etc. Gusto at dasal ko lang palagi na sana madali lang lahat. Siguro dahil pakiramdam ko mula pagkabata, mahirap at komplikado lahat. Kaya pinagdadasal ko na sana simple lahat. Peroooo hindi talaga.. Hinding hindi ganun.

At ngayon, dahil unti-unti ko nang na-ge-gets mga dapat kong gawin. Adulting nga siguro tawag dito. Kailangan ko na maging klaro sa lahat ng bagay. Dapat ko nang alamin ang mga bagay na magpapasaya sa akin, magpapalungkot, magpapasettle, etc.

At ngayon muli, hinding-hindi ko na ibubulong lahat ng gusto ko. Ipagsisigawan ko ng ubod lakas.. Para marinig ng klarong klaro ni universe.. Ni Lord! Para ma-sort na Niya at masabi Niyang.. “Ahh.. Handa na nga si Tonet. Ibibigay Ko na!!” ☺

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s